Manok-panabong isinailalim sa proper disposal ng BAI

Tinatayang nasa mahigit isang daan at apatnapu na mga manok-panabong mula sa California ang isinalang ng Bureau of Animal Industry (BAI) sa carbon dioxide gas chamber. Ito ay matapos ang sampung araw na palugit ng ibinigay ng ahensiya sa importer na ipakita ang mga kailangan at tamang dokumento mula sa United States Department of Agriculture (USDA). Sinaksihan nila Assistant Secretary for Livestock Dr. Enrico P. Garzon, Jr., BAI Director Dr. Ronnie D. Domingo, ilang opisyal mula sa Bureau of Customs, (BOC), Commission on Audit (COA), Philippine College of Poultry Practitioners (PCPP), National Veterinary Quarantine officers at media ang isinagawang proper disposal sa mga manok nitong Oktubre 20, 2018 sa cargo area ng International Airport.

 img1

 Pormal na turn-over ng mga nasabat namanok-panabong ng Bureau of Customs sa mga opisyal ng Department of Agriculture- Bureau of Animal Industry sa NAIA (Oktubre 20, 2018).

 

Sa kasalukuyan, ipinagbabawal ang pag-angkat ng mga manok sa California dahil sa napabalitang Newcastle Disease sa naturang lugar. Ito ay isang sakit na mabilis kumalat at nakamamatay sa mga alagang manok. Nananawagan ang BAI sa mga importer ng anumang hayop na siguraduhing mayroon silang legal at kaukulang mga dokumento bago umangkat ng mga hayop sa ibang bansa. Ito ay paraan ng pamahalaan upang matigil ang smuggling, maiwasan ang kumakalat na sakit sa ibang bansa at para maprotektahan ang paghahayupan at supply ng pagkain sa Pilipinas.### (Caroline Ann D. Rodero)

img2

Maingat na binilang at sinuri ng mga empleyado ng BAI ang mga manok-panabong bago isalang sa disposal process (NAIA, Oktubre 20, 2018).