Karne Mula sa China at Japan, Nasabat sa Airport Featured

 

 

Quezon City, Setyembre 6, 2018. - Tinatayang nasa 460 kilo ng karne galing sa China at Japan ang nakumpiska ng Bureau of Animal Industry - National Veterinary Quarantine Services Division (BAI-NVQSD) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kahapon, Setyembre 5, 2018, dahil sa paglabag sa Department of Agriculture (DA) Administrative Order No. 18 series of 2000 “Revised Guidelines on the Importation of Agricultural Products”, DA Memorandum Order  No. 23, Series of 2018 “Temporary Ban on the Importation of Domestic and Wild Pigs and their Products Including Pork Meat and Semen Originating from Latvia, Poland, Romania, Russia, Ukraine and China”, at Department of Agriculture – Bureau of Animal Industry (DA-BAI) Memorandum Order No. 6, Series of 2018 “Prohibition of Entry of Domestic and Wild Pigs, its Products and By-Products Including Fresh Meat but not limited to Meat, Animal Effects, Animal Proteins such as Meat and Bone Meal, Blood Meal, etc. originating from China, Latvia, Romania, Russia, Hungary, Poland and Ukraine”.

19756209 1953306364695429 1869338461 n
Matagal na pinapatupad ng DA-BAI-NVQS ang paghihigpit sa pagpasok ng karne na walang kakukulang papeles. Larawan ng inspeksyon at mga nasabat na karne galing China noong 2017. Photos from DA-BAI-NVQS

Ang mga naturang karne ay walang SPS import clearance at health certificate galing sa pinanggalingang bansa, na isang malinaw na paglabag sa mga nasabing Administrative at Memorandum Orders. Bukod pa rito, dahil sa nailathalang pagkalat ng sakit na African Swine Fever (ASF) sa China at iba pang mga bansa, pinagtitibay ng DA-BAI ang paghihigpit sa pagpasok ng baboy, karneng baboy, at iba pang produkto nito.


41171218 2137350913251707 8600594559094751232 n Larawan ng nasabat na karne galing Japan. Photos from DA-BAI-NVQS

Hinihiling ng DA-BAI ang pang-unawa, pakikipagtulungan, at suporta ng publiko na huwag magdadala ng mga karne galing sa China (at sa mga bansang nabanggit) ng walang kaukulang papeles maiwasan ang aksidenteng pagdala ng nahawaang karne papasok ng bansa.

Ang African Swine Fever (ASF) ay isang malubhang sakit ng mga baboy na may mga sintomas ng mataas na lagnat, kawalan ng ganang kumain, pagdurugo sa balat at mga laman-loob, at pagkamatay ng naturang baboy sa pagitan ng dalawa hanggang sampung araw. Ang dami ng namamatay na baboy ay maaaring tumaas hanggang isang daang porsyento (100%). Ang sakit na ito ay nakalista sa World Organisation for Animal Health (OIE) Terrestrial Animal Health Code at dapat iulat sa OIE sa sandaling unang maobserbahan sa mga alagang baboy. ### (Caroline Ann D. Rodero)