1K Dog Vaccinations Project ikinasa na! Featured

Written by
Rate this item
(0 votes)

 (Si Assistant Director Simeon S. Amurao Jr. kasama ang mga iba't ibang Quarantine Officers ng Bureau of Animal Industry sa isinagawang launching ng ONE BAI: 1K Dog Vaccinations Project)

 

 

Quezon City - Pormal nang inilunsad ng Bureau of Animal Industry ang “ONE BAI: 1K Dog Vaccinations Project” na ginanap kaninang tanghali February 2, 2018 sa Animal Health Training and Information Center.


Layunin ng proyektong ito na i-mobilize ang lahat ng mga beterinaryo ng ahensya sa pakikipagtulungan ng ibat-ibang stakeholders na tumulong sa pagbabakuna ng aso lalo na sa mga lugar na may matataas na kaso ng Rabies. Sa pamamagitan ng proyektong ito, inaasahang mapataas ang dog vaccination coverage ng bansa na syang makakatulong upang makamit ang layuning Rabies-Free Philippines 2020.
Isang libong aso at higit pa ang kailangang mabakunahan ng isang lisensyadong beterinaryo ng BAI sa loob ng walong buwan mula Pebrero hanggang Setyembre sa kasalukuyang taon.


Sinimulan na kanina ang orientation at pamimigay ng rabies vaccines at iba pang paraphernalia sa mga Quarantine Officers na nakatalaga sa sa ibat-ibang rehiyon ng bansa. Pinangunahan ang seremonya ni Assistant Director Simeon S. Amurao, Jr. kasama ang head ng National Veterinary Quarantine Services Division na si Dr. Florence D. Silvano.


Ang proyektong ito ay isa sa mga prayoridad na programa ng Animal Health and Welfare Division at ang kasalukuyang administrasyon sa pamumuno ni Dr. Ronnie D. Domingo, OIC Director. #npc

 

 

 

 

Read 2339 times